Saturday, August 22, 2009

Kasalukuyang balita/ Spot news na Editoryal

Kasalukuyang balita/ Spot news na Editoryal



Manny Pacquiao, Pandaigdigang Kamao!


Walang tiyaga, walang nilaga. Ipinakita muli ni Pacman ang kanyang gilas sa larangan ng boxing sa pamamagitan ng pagkapanalo niya laban kay Oscar Dela Hoya sa isang boxing match sa Mandalay Bay, Las Vegas, Estados Unidos, noong nakaraang ika-anim na araw ng buwan ng Disyembre.


Sa bakbakan nila, palaging si Oscar ang habol nang habol kay Manny at si Manny naman ay ang laging nagbibigay ng mga suntok. Mutik na nga manalo si Manny bago pa man nagsimula ang ika-pitong round dahil na nga sa bilis ng kanyang mga suntok na natulak si Oscar sa isang corner. Si Dela Hoya, na ang isang mata ay nakapikit na, ay tinuluy pa rin ang sagupaan ngunit sa kasamaang palad ay natalo bago pa man nagsimula ang ika-siyam na round. Nagpapasalamat nga si Manny sa Poong Maykapal na binigyan siya ng maliliksi’t malalakas na kamao. Dahil na rin sa pagkapanalo niya, nabigyan na naman ng dahilan ang mga Pilipino na itaas ang noo dahil na nga sa pagkapanalo niya sa Dream Match. Nakasaad nga sa Yahoo website na si Manny daw ang kasalukuyang “world’s finest fighter”. Para sa amin, tunay na kamangha-mangha si Manny Pacquaio dahil sa kanyang kagitingan at lakas ng loob at pananalig sa Diyos. Ito ang mga tanging dahilan sa kayang pagwagi maliban sa mahirap na training na isinagawa niya para sa laban.


Ang karukhaan ay hindi hadlang sa pagtatagumpay. Gaya nga ni Manny, sana’y maging katulad kay Manny ang lahat ng Pilipino. Ang tao ka ay dapat marunong lumaban sa pamamagitan ng paggamit ng kanyang mga kakayahan para sa ika-uunlad ng sarili at maging sa sangkatauhan. Ang tanging kulang sa karamihan ay ang kasipagan. Dapat lang na maiwasto ito. Hindi ba?

No comments: