Saturday, August 22, 2009

SECRET WINDOW: Isang Masinsinang Panunuring Pampelikula

SECRET WINDOW
Isang Masinsinang Panunuring Pampelikula


I. PANIMULA

Ang pelikulang ito ay hindi maaring makita ng mga may edad na mas mababa sa labintatlo. Ito ay sa kadahilanang binigyan ang pelikula ng rating na “PG-13” ng Motion Picture Association of America. Kaya inaasahan ang lubos na pag-iingat na mga magulang dahil may mga bahagi na hindi nababagay sa mga bata dahil na din sa mayroon itong masidhi at marubdob na dahas at namuong dugo.

A) Pamagat ng Pelikula

SECRET WINDOW

B) May- Akda ng Novela/Kuwento

Stephen King (nobela)
David Koepp (dulang pansine)

C) Direktor

David Koepp

II. BUOD

Mistersyosong bantog na manunulat, si Mort Rainey ay kinumpronta ng isang taong-di-kilala sa labas ng kanyang bahay. Ang taong ito ay nagngangalan na John Shooter at pinagbintangan na nagnakaw si Mort ng ideya ng isang kuwento sa kanya na karaniwang tinatawag na “plagiarism” sa Ingles. Pagkatapos, ibinigay ni Shooter ang manuskrito na inaangkin niya na siya mismo ang nagsulat.

Sa unang bahagi ng pelikula, inaakala ni Mort na si Shooter ay may sakit sa pag-iisip at inihagis ang aklat. Subalit ang kanyang mutsatsa ay kinuha ito sa basurahan dahil naniniwala siya na ang kanyang amo ang nagmamay-ari nito. Sa halip na itapon niya ito uli, hindi niya kayang mawala ito sa isipan at sa banding huli ay binasa ito. Halos magkakambal ang dalawa. Kasunod na ipinakita ay ang pagpupunyagi ni Mort para mapatunayan niya kay Shooter at sa kanyang sarili na hindi niya nangungopya ng kuwento. Si Shooter naman ay patuloy ang pandiwari na paggahasa kay Mort at mangyayari rin ay pinatay ang aso na nagngangalang Chico. Sa pagdaloy ng kuwento, umupa si Mort ng isang pribadong imbestigador at humingi ng tulong sa lokal na serip, na hindi naman naniwala sa kanya. Nagtanong ang imbestigador kung may mga saksi o testigo, at bumalik sa kanyang ala-ala na mayroon siyang tao na nakakita. Ngunit agad pinaslang ni Shooter ang imbestigador pati na din ang lalaki at inilagay ang mga patay na katawan sa loob ng sasakyan.

Hinanap ni Mort ang magasin na magpapatunay na siya ang tunay na may-akda. Pero noong lumabas siya sa kanyang kotse, lumapit ang serip sa kanya nadala ang isang tawang-asosa mukha at nagtanong kung pwede bang magtanong. Umalis si Mort pagkatapos. Noong nakuha na ni Mort ang magasin, sinunod niya ang kanyang saloobin na hindi maaaring nagalaw ang magasin dahil natanggap niya ito na nakatakip at hindi bukas. Nahinuha ni Mort na si Shooter ay hindi totoong tao, isa lamang kathang-diwa ng kanyang imahinasyon na naisatao dahil mayroon pala siyang “dissociative identity disorder” na nagpersonify sa maitim na anyo ng kanyang personalidad at ang mismong gumagawa ng mga masasamang bagay na hindi kaya gawin ni Mort kagaya ng pagpatay ng tao.

Noong panahon ng pagsisiwalat, ang kanyang dating asawa ay pumunta sa kanyang kabanya at sa mga oras na iyon ay biglang nagbago ang kanyang katauhan na naman. Pumasok an kanyang dating asawa at sinubukan na hanapin si Mort. Nakita niya ang isang bote ng “Jack Daniels”, ang tunay na sanhi ng paglabas ng masamang si Shooter sa loob ni Mort. Sa ikalawang palapag ng bahay ay nakita ng dating asawa ni Mort ang salitang shooter. Napag-alaman ng babae ng an totoong kahalagahan ng salitang shooter ay “shoot her” pala. Pagkatapos nito ay nagsidalian siyang umalis pero mas maliksing gumalaw si Mort kaysa sa kanya. Pinaslang ni Mort ang kanyang dating asawa at ang kalaguyo nitong si Ted gamit isang pala at sinaktan ang mga ito at inilibing sa kanyang hardin na tinamnan niya ng mais.

Kasunod ay nagbago na si Mort. Naging matino na siya. Sa pagtatapos pelikula, ito ay nagtapos ng isang lisya na paalaala. Ang lokal na serip ay pinagsabihan si Mort na alam niya ang kasalanan ni Mort at pagkatapos na matagpuan ang mga patay na katawan, mabubulok si Mort sa bilanguan. Sumagot si Mort sa serip at sabi niya na ang katapusan ang pinakamahalaga na bahagi ng kuwento.

III. PAGSUSURI

A) Uri ng Pelikula

Sikolohikal na Pagpukaw ng Damdamin(Psychological Thriller)

B) Kaanyuan ng Pelikula

• Ang TEMA ng pelikulang SECRET WINDOW ay natutungkol sa taong may sakit sa pag-iisip. Dapat tulungan natin ibalik sa katinuan ang nangangailangan ng tulong natin lalung-lalo na iyong mga may problemang hindi madaling matapus-tapos.
• Ang PAKSA ito ay ang pagtingin natin sa mga taong may dissociative identity disorder.
• Ang PINAKASUKDULAN ng pelikula ay nagsimula sa bahagi na flashback, ang oras na pinagtangkaan patayin ni Mort ang kanyang dating asawa at ang kalaguyo nito.
• Ang mga PANGUNAHING TAUHANG nagsiganap ay: Johnny Depp, bilang Mort Rainey, ang taong may dissociative identity disorder; John Turturo, bilang John Shooter, ang alter ego ni Mort na gumagawa ng karumaldumal na mga agay na hindi kayang gawin ni Mort; Maria Bello, bilang Amy Rainey, ang dating asawa ni Mort.

Ito ay sa panulat ni Stephen King at sa dirkesyon ni David Koepp.

C) Uri ng Pananalig na Ginamit

Mayroong kaibahan ang uri ng pananalig na ginagamit sa pelikulang ito, and tinatawag na Humanismo, na kung saan ito ay nagbibigay ng pagpapahalaga sa buhay ng isang tao kung saan ang sentro ng akda ay ang tao. Ang tao ang siyang pinahahalagahan dito, siya lamang ang makagagawa ng paraan upang siya ay umunlad at ikatatagumpay niya, siya rin ang nakagagawa ng ikababagsak at ikalalagapak ng kanyang buhay.

Sa naging kalagayan ni Mort, nasa sa kanyang kamay talaga ang solusyon ng kanyang problema ngunit and nakakalungkot isipin lang ay sa huli na niyan napag-alaman na mayroon pala siyang problema sa pag-iisip.

D) Istilo ng Paglalahad

Hindi pangkaraniwan ang istilo ng paglalahad dahil nagsimula ang pelikula ng isang parang flashback. Pinupukaw talaga nito ang kakayahan sa pag-iisip. May kahirapan din na unawain ang balangkas.

E) Matayutay o Matalinhagang Pananalita

May ilang matayutay o matalinghagang pananalitang ginamit sa pelikulang ito, gaya ng:

a) “The ending is the most important part of the story. This one is very good. This one is perfect.” Ito ang sagot ni Mort sa lokal na serip na nangangahulugan na sa bawat kuwento lagin ang katapusan ang parang kinasukdulan nito dahil na rin nga sa “hanging” na katapusan ng kuwento.

b) “If you want to talk to somebody about some grievance you feel you may have, you can call my literary agent.” Ito ay nagsasaad na parang walang paki-alam si Mort sa mga taong kinakahalubilo biya.

c) “This is not my beautiful house. This is not my beautiful wife anymore.” Ito ang binanggit ni Mort noong pinuntahan niya ang kanyang dating asawa at ito ay nag-udlot sa paglabas ng sakit ni Mort.

F) Sariling Reaksyon

Mga Pansin at Puna sa:

a) Mga Tauhan
Si Johnny Depp ay isang napakamahusay sa larangan ng pagsasadula. Nang dahil sa kanyang kakayahan, ako tuloy ay parang natatakot kapag nakikita ko an mukha niya lalo na hitsura niya sa pelikula, nakakatitindig balahibo! Bagay na bagay si John Turturro sa kanyang ginampanang papel bilang si Shooter. Hindi rin pwedeng kalimutan si Maria Bello na magaling din ngunit para sa akin, palaging may kulang.

b) Galaw ng pangyayari

Hindi ako lubos na nasisiyahan sa galaw ng pangyayari lalung-lalo na sa hulihan kung saan napaka-iba nito kung ilulumpara sa nobela na katapusan.

IV. PANANAW: SOSYOLOHIKAL, SIKOLOHIKAL AT ARKETYPAL

Sosyolohikal:

Hindi pangkaraniwang nagyayari sa buhay ngunit mayroong mga kaganapan na gaya nito na nagaganap. Sa kaganapan na may dissociative identity disorder si Mort, at dahil doon ay kaya niyang gumawa ng kasamaan, mapupulot ang mga ugali na mayroon ang tao gaya ng karahasan, kasamaan, pag-aapi.

Sikolohikal:

Sa kaloob-looban ni Mort, matagal na niyang gustong patayin ang kanyang dating asawa kaya nga ang pangalan ng kanyang alter ego ay “Shooter” na ibig sabihin ay “ shoot her”. Napaptunayan ito sa huling bahagi ng pelikula. Sa kalaunan ay naging matiwasay na ang buhay niya dahl tapos a ang problema niya ngunithindi pa rin tayo nakakasiguro sa pwedeng mangyari. Kung sana ay natulungan siya noong simula pa sa kanyang problema, wala na sanang kailangan mabawian ng buhay.

Arktipal:

Kung titiyakin natin ang dahilan sa kng bakit Secret Window ang pamagat ng pelikula ay siguradong mahirap itong mabatid. Sa katayuan ni Mort, tunay nga na sobrang mahirap kalabanin ang sarili. Subalit natapos naman ang lahat dahil nga sa pagkamit ng kanyang layunin na paslangin si Amy.

V. BISANG PAMPANITIKAN

a) Bisa sa Isip

Pagkatapos ko na makita ang pelikula, naramdaman ko na nagbago na ako. Ito ay dahil napag-alaman ko na hindi lahat ng taong mukhang walang sakit ay walang karamdaman. Dahil sa pelikulang iyon, nagbago na ang aking pananaw sa mga taosa akin kapaligiran. Hindi natin tayo dapat masyadong pabaya at magtiwala. Lubhang napakalaki ng bisa ng kuwento sa akin. Nabuksan talaga ang aking isipan sa lalong malawak na pang-unawa ng mga bagay-bagay.

b) Bisa sa Damdamin

Hindi lang isa ngunit maraming beses akong natinag sa pagpanood ng pelikula. Habang ako ay nanonood,ako ay natakot dahil parang nawalan na ako ng pagtitiwala sa mga tao sa aking paligid. Takot ako na baka biglang may huhugot ng kutsilyo ay saksakin ako na wala naman akong ginagawang masama. Ang nakasama pa doon sa pelikula ay parang katulad din ako ni Mort, parang may alter ego! Ngunit hindi ko lang namamalayan.

c) Bisa sa Kaasalan

Nag-iwan ang pelikuang Secret Window ng pamalagiang pamantayang pang-moral na nagiging batayan na pagsusuri ng sarili kong pagkatao. At naibahagi ko na iyon sa itaas. Ang pagiging “time-aware” at “time conscious” ang maaaring ihambing sa tunay na buhay ko. Sa katunayan, ang pagiging listo palagi ang aral na aking napulot at palagi ko na itong gagamitin sa bawat oras dahil lalung-lao na sa panahon ngayon, hindi na tiyak an gating kaligtasan sapagkat may mga kasamaan na nagaganap na sa mundo gaya ng pagkalulong sa droga at marami pang iba.
VI. PAGLALAPAT NG MGA SALAWIKAIN

a) “Kahit paliguanman ng pabango ang aso, lalabas at lalabas pa rin ang mabahong amoy nito”.

Si Mort ay may karamdaman. Isang malubhang sakit sa pag-iisip kaya nga kahit siguro anong gawin niya, lalabas at lalabas talaga iyong ibang sarili niya na si Shooter dahil may layunin si Shooter na dapat gampanan. Makikita sa pelikula na lumabas talaga si Shooter sa sarili at ang dahilan ng pagkasawi ng dating asawa n Mort at ang kalaguyo nitong si Ted.

b) “Madali ang maging tao, subalit mahirap magpakatao”.

Sa buhay ni Mort, ang hirap magpakatao dahl na nga sa kanyang karamdaman na “writer’s block”. Ito ang sanhi ng kanyang pagbabago at saka nagbunga nang masasamang epekto sa buhay ng iba. Kaya niyang magbago ngunit huli na ang lahat. Kahit malaman pa iya siguro na may sakit siya, kahit anog pilit ay hindi talaga maiiwasan na ang nakatakda.


VII. EVALWASYON

Kung ako ay isa sa mga tauhan ng pelikula, ang papel na gusto kong gampanan ay ang papel ni Amy. Bakit? Ito ay sa kadahilanang gusto kong tulungan si Mort sa kanyang problema. Hindi ako magiging pabigat sa kanya. Gagawinko ang lahat upang mawala an masamang alter ego niya.

Secret Window an pamagat ng pelikula dahil may bintana o durungan sa bahay ni Mort. Doon ay ang lugar kung saan niya inilibing ang mga patay na katawan nina Amy at Ted. Dapat manatili itong lihim dahil mabubulok siyasa bilangguan kapag nagkagayon na malaman ng serip ang katotohanan.

Sang-ayon ako na ipalabas ang ganitong uri ng pelikula dahil nakakamulat ito ng pananaw sa buhay. Nagtuturo di ito ng mga aral na dapat tularan.

No comments: