Suring – basa ng El Filibusterismo
Jose Rizal
Kailan man ay hindi natin makakalimutan ang ating napakatalino’t ubod ng tapang na pambansang bayani na si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda.
Ang may katha ng “El Filibustersimo” ay maihahantulad sa pinagsama-sama ng mga kakayahan nina Boccaccio, Geoffrey Chaucer, Niccolò Machiavelli at Miguel de Cervantes sa larangan ng panitikan. Si Miguel de Unamuno ay inilarawan si Rizal bilang, “isang kaluluwa na natatakot sa rebolusyon kahit sa kaloob-looban ay gusting-gusto ito. Siya ay nagpibote sa gitna ng takot at pag-asa, sa gitna ng pananalig at kalungkutan.”
Sa pagsulat ng mga nobela’t iba pang uri na akda, si Jose Rizal ay isang henyo at hindi matatapatan ang kanyang galing at husay sa paggawa ng mga akda lalung-lalo na iyong mga isinulat niya na natutungkol sa tunay na buhay.
Isang Pilipinong may kahalong dugong Insik, Hapones at Kastila, siya ay anak nina Francisco Mercado and Teodora Alonzo. Una niyang namasdan ang kagandahan at kasali na din doon and di-makatarungan na pagtrato ng mga dayuhan noong ika-siyam ng Hunyo, taong 1861 sa Calamba, Laguna. Ang kanyang nobela na inialay sa tatlong paring martir na sina Gomez, Burgos at Zamora ay nagpapahiwatig na ang nagging karanasan na tatlong pari ay lagin sumagi sa kanyang isip. Ang El Filibusterismo kung isasalin sa Ingles ay nagkakahulugang, “The Reign of Greed”. Ang ibig sabihin ng pilibustero ay paki-alamero at kaaway na pamahalaan.
Sa opinion naman ni Estrella De Vera, isang guro sa Santa Bella College, ang El Filibusterismo ay, “nobelang lubhang mahalaga para sa mga guro at mga estudyante sa sekundaryang paaralan tungo sa mabisang pag-unawa sa mga kaisipan at pilosopiya sa isa sa mga batog na siulat ni Dr. Jose Rizal.”
Saturday, March 21, 2009
Suring – basa ng El Filibusterismo
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
bobo mo naman
Post a Comment